bagong taon na, bagon blag din tong susubukan kong gawin. aktuwali, dati may mga blag na ako, kaso di ko type mag internet masyado.
small scale miner climbing a hill where they dig holes to gather gold ore. Camp5, Itogon, Benguet. Leica M4P, Voigtlander 21mm Skopar, FujiFilm Presto400.
ang larawan na ito ay parte ng aking paglalakbay sa norte. langhiya, ang taas ng
mga lugar kung saan sila nagmimina, nilalakad lang nila papanik, halos 90 degrees na ang inclination amputcha. lawit ang dila ko nung kinukuhanan ko sila. kailangan na mag exercise mga repapips. bumobotchog ako lately. shets.
small scale miner inspecting gold ore inside a tunnel. Camp5, Itogon, Benguet. Leica M4P, Voigtlander 35mm Nokton, FujiFilm Presto400.
marami sa mga minero dito ay dating magsasaka, mas gusto na daw nila mag mina kasi mas malaki ang kita. yun nga lng, pag pumasok ka sa isang butas ay i-consider mo na patay ka na, magdiwang ka na lang pag nakalabas ka na ng butas nang buhay. syempre sinabi sa akin yun nung nasa labas na kame, baka daw mag prek-awt ako at di sumama sa loob ng mga butas.
small scale miner panning gold ore inside to extract raw gold. Camp5, Itogon, Benguet. Hexar RF, Voigtlander 35mm Nokton, FujiFilm Presto400.
halos lahat ng small scale miners ay illegal ang operation, kundi di ba naman ungas mga policy makers natin, msyadong mahal magproseso ng mga papeles at dagdag pa sa mga padulas, welcome to philippines pare.
1 comment:
Wasak a.
Post a Comment