20100126

Cubao, Quezon City. M6, Voigtlander 21mm Skopar, ProPlus 100.

buhay de kolor, masaya, malungkot, nakakapagod, mabilis, mabagal, magulo, mapusok, malikot, masikip, maginhawa, kalbo, long-hair, matangkad, may guhit, wala, meron, kaliwa, kanan, atras, abante, mura, mataas, bumababa, mausok, mapula, blue, green, butones, bisekleta, tabbaco, andito, wala, maasim, maalat, mainit, madulas, makapit, maliwanag, maluwag, masarap, tsenelas, mahaba, grey, puti, lapis, lampara, pera, pelikula, masunurin, hindi, gitara, lamesa, tao, aso, traysikel, hagdanan, bintana, pinto, kumot, tapa, kanin, nuko, biskwit, ginto, basketbol, karera, itlog, pansit, plato, tubig, araw, linggo, buwan, bitwin, singer, dancer, direktor, isteyds, ilaw, madilim...

20100122

Lawrence Reyes and Maple Adriano-Reyes. Hexar RF, Voigtlander 35mm nokton, Ilford Pan 400.


december pa lang, inapproach na ako ni Lawrence, "pre, ikaw kunin ko photographer ha", tanong ko saan? sabi nya kasal namin ni Maple sa janwari, "ah, ayus, cge ba!". kala ko naman nun nagbibiro sya, eh hindi naman ako wedding phototographer eh. mula nun pina-follow-up ko na sya lagi, malay mo totoo nga. tapos nun nag tanong na sya kung mag kano daw serbis fee ko, sabi ko "pare, di ko alam presyohan dya, ganito na lng, bahala ka na kung magkano."

dumating ang araw na pinaka hihintay ni Lawrence, ang kasalan day! gamit ko hexar at ilford na galing kay neil. nag shoot ako na nag shoot. ang kinahinatnan eh, trentang rollyo ng pelikula ang dinevelop ako at halos isang linggo na ako nag iiscan. naisip ko tuloy mag offer ng wedding photgrapi pero blak en white sya. wat do you think?

20100118


Black Nazarene devotees (Quiapo Boys) in Quiapo, Manila. Nikon S2, Nikkor 50mm f1.4, Kodak Plus-X. photo by: JEFJAC

ang litrato na to ay kuha to ni jefjac a.k.a. "tenderobject". subukan nyo ako hanapim sa crowd na yan. hehe, sirit? eto hint, nasa far right ako. parang "where's wally" na laro.

nagwawala na mga tao niton kasi gusto niladumaan sa original na ruta eh ang gusto ng mga prayle eh dumaan sa sta. cruz. ang mga Quiapo Boys naman eh ayaw kasi hindi daw Quiapo yun. sa huli panalo pa rin mga Quiapo boys. adrenaline rush to da maks sila.

20100109


Black Nazarene devotees in Quiapo, Manila. Hexar RF, Voigtlander 21mm Skopar, FujiFilm Acros100.


kahapon yung feast of black nazarene diba, dinala ko si katre dun para maka shoot sya, first tym nya mag shoot nun eh. pag dating sa simbahan ng quiapo eh nag hiwalay na kame, sabi ko mag shoot na sya at kailangan ko magpa-kwenta sa hidalgo kung mgakano mga big prints para exhibit ko, (nga pala malapit na yun, punta kayo, padalhan ko kayo ng invites.)

tapos nakita ko si eric sales sa may hidalgo, sabi ko hanap tayo tambayan, kaso nauwi kame na panunuod ng procession, nagakagulo pa nga. di ko na napansin na nag sho-shoot na rin pala ako nung mga hardcore nazarene devotees. kung gusto nyo makita yung ibang photos clik nyo to: http://www.flickriver.com/photos/buckpago/

20100106

Indian national on the streets of Baguio City. Leica M6, Voigtlander 21mm Skopar, FujiFilm Presto400.


nung nasa baguio city ako para kumain at mag pahinga ganito ang nangyari. "erase that photo! let me see the photo you take." this indian man said. pagka kuha ko ng litrato nilapitan ako. "you cannot do that, this is not a real camera, this is film." ang sagot ko.


20100105


bagong taon na, bagon blag din tong susubukan kong gawin. aktuwali, dati may mga blag na ako, kaso di ko type mag internet masyado.

small scale miner climbing a hill where they dig holes to gather gold ore. Camp5, Itogon, Benguet. Leica M4P, Voigtlander 21mm Skopar, FujiFilm Presto400.


ang larawan na ito ay parte ng aking paglalakbay sa norte. langhiya, ang taas ng
mga lugar kung saan sila nagmimina, nilalakad lang nila papanik, halos 90 degrees na ang inclination amputcha. lawit ang dila ko nung kinukuhanan ko sila. kailangan na mag exercise mga repapips. bumobotchog ako lately. shets.




small scale miner inspecting gold ore inside a tunnel. Camp5, Itogon, Benguet. Leica M4P, Voigtlander 35mm Nokton, FujiFilm Presto400.



marami sa mga minero dito ay dating magsasaka, mas gusto na daw nila mag mina kasi mas malaki ang kita. yun nga lng, pag pumasok ka sa isang butas ay i-consider mo na patay ka na, magdiwang ka na lang pag nakalabas ka na ng butas nang buhay. syempre sinabi sa akin yun nung nasa labas na kame, baka daw mag prek-awt ako at di sumama sa loob ng mga butas.


small scale miner panning gold ore inside to extract raw gold. Camp5, Itogon, Benguet. Hexar RF, Voigtlander 35mm Nokton, FujiFilm Presto400.

halos lahat ng small scale miners ay illegal ang operation, kundi di ba naman ungas mga policy makers natin, msyadong mahal magproseso ng mga papeles at dagdag pa sa mga padulas, welcome to philippines pare.