20100820

this photo was taken on August 19, 2010 during a demolition in Luzon Avenue Quezon City.

for couple weeks I been documenting housing conditions in Manila. when I received an information about this demolition I rushed to the site to cover it. these were the first few frames I shot.

A tin roof fell during the demolition, it supposed to be going to hit the child but her mother manage to hold her and cover her. the girl was so terrified. large debris were flying above our heads from all the directions as the informal settlers defending their homes and the demolition personnels counters.

the demolition personnels failed to demolish the community but the settlers still worries on their uncertainty.



informal settlers in San Roque, Pagasa, Quezon City, received a 3-day demolition notice. Geno, showing the the notice he received, refused to leave.

San Roque is part of the government project with the Ayala Group of Company that will allow high-end commercial establishment rise on site, this will be the new Quezon City's Central Business District.

Geno said "We have to fight for our homes, we don't have anywhere to go. they want us to leave this place and resettled in the outskirts. we cant afford that, there is no job there for us, theres no decent electricity and water supply there".

Geno works as security guard in a commercial mall owned by Ayala in Makati.

Once again, I did it in color. I don't have chemicals for C41 developing so I brought my films at FotoFabrik, Jay the owner did my films.

A friend of mine lent me his Mamiya 7 with 65mm lens, he don't use it that much so he decided to let me use it for a while.

I'm planning to use it on a project but I haven't decided if I will do it in color or black and white. I don't have any stock of 120/220 films and I have to find where I can get one.

I shoot black and white on all of my projects but color lures me every time I see it.

20100720

ang daming pinapanganak araw araw. ang dami dami! mas maraming tao, mas marami din and tae, ang basura. mas lalaki ang pinasa sa kalikasan. calling all green activist!!!!! mas mainam yata kung ang isyu na pang populasyon ang pag tuunan natin para mabawasan ang suliranin natin.

20100715

non aircon bus, pinaka mabilis magpatakbo sa efipanio delos santos avenue, parang roller coaster. kung magpapatayo ng loop and mmda sa hiway eh kumpleto na. nung medyo kabataan ko pa, sinasadya ko na sumakay sa ganitong kalseng bus pag madaling araw. sulit ang bayad, parang roller coaster talaga. mas enjoy kapag nasa likuran na bahagi ng bus ka sasakay.

20100704

artificial contraceptives, tutol na tutol ang simbahan ng romano catholico sa mga to -lalo na sa reproductive health bill, sabi nila imoral ito, pano naman yung mga hindi catholico? wala na ba sila karapatan sa batas? hindi ba na isip ng mga prayle na to na hindi lang naman catholico ang nakatira sa pilipinas. ibig sabihin ba nito kapag hindi ka catholico eh wala ka na karapatan na mamuhay sa pilipinas? sya nga naman, hawak pa rin naman pala tayo ng mga prayle, hindi naman talaga tayo naging malaya. pilipinas pa rin ang pangalan ng lupa natin hango sa pangalan ng haring filippe ng espana. --kaninang umaga pala may narinig ako sa radyo "WE ARE CONFUSED BEINGS. WE CAN GET MORE RESPECT IF WE JUST HAVE PURE CULTURE." are we really asians or trying hard to be westerner.

20100630

sct Tobias cor sct Mandarinian kung saan nakatirik ang Newsdesk. masaya tumambay dun, may alak, pagkain, mamamahayag, litratista, reporter and marami pang iba. maganda din mag daos ng piging duon.

20100522


sinundo ko si katre sa isang exhibit sa cubao, kumain ng tinapay at dilis, nakipagkwentuhan sa mga kaibigan na matagal na hindi nakikita. pagod na pagod na kame ni katre, napansin namin habang pauwi kame - andaming trak ng bombero na papunta sa direksyon ng aming tahanan, agad ko naisip na baka sinunog na yung community sa san roque north triangle. kasi un naman talaga ang patern eh, pag gustong paalisin ang mga illegal settlers eh sinusunog nila ang lugar, ewan ko lang kung sino yung mga nagsusunog. niyaya ako ni katre na takbuhin na ang area at agad naman kame lumundag ng jeep. baka akala pa nga ng kasakay namin sa jeep eh nag wan tu tree kame or snatcher kame. anyway, tumpak nga na ang nasusunod ay ang san roque. hay, lecheng sistema talaga. pagod na pagod na pagod na pagod na kame. --uwi na kame tapos ligo, tapos tulog. mamaya pupuntahan ko yung area ulit.

20100503

Manila. Leica M6, Voigtlander 35mm Skopar, Neopan 400.

kristiano kristiano, nakalimutan ko pala mag post ng shoot ko last holy week sa pampangga. ma syado ako na disterb ng imahe na to. napaka ordinaryo na talaga ng ganito kapag banal linggo, tila isang pan araw araw na eksena sa kalye tulad ng mga bendor, pulubi na nanglilimos, trapik enporser na nangongotong, nag-guguitara na bulag, echetera echetera.

20100430

Manila. Leica M6, Voigtlander 35mm nokton, Acros 100.

flay bird! flay! - lumipad kayo! hanggat malaya kayo lumipad lang kayo ng lumipad! lintik na ibon tong mga to, mahuli ko lang tong mga to aadobohin ko to. hmmm, sarap nyan!

20100310

Manila. Leica M6, Voigtlander 35mm nokton, Acros 100.

dalawang taon na ang nakakalipas nung huli akong dumalaw sa pagawaan ng uling sa tondo maynila. napaka laki ng pinagbago nito, mas dumami ang mang uuling. tuwing gabi na lang din sila nakakapag sindi ng uling dahil pinagbabawal na ng mga kinauukulan, sabi ng iba dahil daw sa dahilang pang kalusugan, ang iba naman ay nag sasabi na ayaw ng mga katabing land owner na nakikita dahil eyesore daw, ulti mong pag tayo ng tent na pahingahan ay bawal daw dahil di magandang tingnan. nakita ko din dun yung mga kakilala ko dun, nakakatuwa na makita silang muli. malaking parte ng kumonidad duon ay nawala na sa kadahilanan na ang lupa na kinatitirikan dati ng kanilang bahay ay nabili na ng pribado na sektor.


Charcoal maker. Leica M6, Voigtlander 35mm nokton, Acros 100.

20100203

Roman Catholic Nun. Leica M6, Voigtlander 35mm nokton, Ilford Pan 400.

sa tuwing pupunta ako ng quiapo ay nakakkita ako ng mga madre, pero itong araw na to ay espesyal, ngayon lng ako nakakita ng madre na may ganitong kahaba na belo. anong kogregasyon kaya to. magastos to sa sabong panlaba.

20100126

Cubao, Quezon City. M6, Voigtlander 21mm Skopar, ProPlus 100.

buhay de kolor, masaya, malungkot, nakakapagod, mabilis, mabagal, magulo, mapusok, malikot, masikip, maginhawa, kalbo, long-hair, matangkad, may guhit, wala, meron, kaliwa, kanan, atras, abante, mura, mataas, bumababa, mausok, mapula, blue, green, butones, bisekleta, tabbaco, andito, wala, maasim, maalat, mainit, madulas, makapit, maliwanag, maluwag, masarap, tsenelas, mahaba, grey, puti, lapis, lampara, pera, pelikula, masunurin, hindi, gitara, lamesa, tao, aso, traysikel, hagdanan, bintana, pinto, kumot, tapa, kanin, nuko, biskwit, ginto, basketbol, karera, itlog, pansit, plato, tubig, araw, linggo, buwan, bitwin, singer, dancer, direktor, isteyds, ilaw, madilim...

20100122

Lawrence Reyes and Maple Adriano-Reyes. Hexar RF, Voigtlander 35mm nokton, Ilford Pan 400.


december pa lang, inapproach na ako ni Lawrence, "pre, ikaw kunin ko photographer ha", tanong ko saan? sabi nya kasal namin ni Maple sa janwari, "ah, ayus, cge ba!". kala ko naman nun nagbibiro sya, eh hindi naman ako wedding phototographer eh. mula nun pina-follow-up ko na sya lagi, malay mo totoo nga. tapos nun nag tanong na sya kung mag kano daw serbis fee ko, sabi ko "pare, di ko alam presyohan dya, ganito na lng, bahala ka na kung magkano."

dumating ang araw na pinaka hihintay ni Lawrence, ang kasalan day! gamit ko hexar at ilford na galing kay neil. nag shoot ako na nag shoot. ang kinahinatnan eh, trentang rollyo ng pelikula ang dinevelop ako at halos isang linggo na ako nag iiscan. naisip ko tuloy mag offer ng wedding photgrapi pero blak en white sya. wat do you think?

20100118


Black Nazarene devotees (Quiapo Boys) in Quiapo, Manila. Nikon S2, Nikkor 50mm f1.4, Kodak Plus-X. photo by: JEFJAC

ang litrato na to ay kuha to ni jefjac a.k.a. "tenderobject". subukan nyo ako hanapim sa crowd na yan. hehe, sirit? eto hint, nasa far right ako. parang "where's wally" na laro.

nagwawala na mga tao niton kasi gusto niladumaan sa original na ruta eh ang gusto ng mga prayle eh dumaan sa sta. cruz. ang mga Quiapo Boys naman eh ayaw kasi hindi daw Quiapo yun. sa huli panalo pa rin mga Quiapo boys. adrenaline rush to da maks sila.

20100109


Black Nazarene devotees in Quiapo, Manila. Hexar RF, Voigtlander 21mm Skopar, FujiFilm Acros100.


kahapon yung feast of black nazarene diba, dinala ko si katre dun para maka shoot sya, first tym nya mag shoot nun eh. pag dating sa simbahan ng quiapo eh nag hiwalay na kame, sabi ko mag shoot na sya at kailangan ko magpa-kwenta sa hidalgo kung mgakano mga big prints para exhibit ko, (nga pala malapit na yun, punta kayo, padalhan ko kayo ng invites.)

tapos nakita ko si eric sales sa may hidalgo, sabi ko hanap tayo tambayan, kaso nauwi kame na panunuod ng procession, nagakagulo pa nga. di ko na napansin na nag sho-shoot na rin pala ako nung mga hardcore nazarene devotees. kung gusto nyo makita yung ibang photos clik nyo to: http://www.flickriver.com/photos/buckpago/

20100106

Indian national on the streets of Baguio City. Leica M6, Voigtlander 21mm Skopar, FujiFilm Presto400.


nung nasa baguio city ako para kumain at mag pahinga ganito ang nangyari. "erase that photo! let me see the photo you take." this indian man said. pagka kuha ko ng litrato nilapitan ako. "you cannot do that, this is not a real camera, this is film." ang sagot ko.


20100105


bagong taon na, bagon blag din tong susubukan kong gawin. aktuwali, dati may mga blag na ako, kaso di ko type mag internet masyado.

small scale miner climbing a hill where they dig holes to gather gold ore. Camp5, Itogon, Benguet. Leica M4P, Voigtlander 21mm Skopar, FujiFilm Presto400.


ang larawan na ito ay parte ng aking paglalakbay sa norte. langhiya, ang taas ng
mga lugar kung saan sila nagmimina, nilalakad lang nila papanik, halos 90 degrees na ang inclination amputcha. lawit ang dila ko nung kinukuhanan ko sila. kailangan na mag exercise mga repapips. bumobotchog ako lately. shets.




small scale miner inspecting gold ore inside a tunnel. Camp5, Itogon, Benguet. Leica M4P, Voigtlander 35mm Nokton, FujiFilm Presto400.



marami sa mga minero dito ay dating magsasaka, mas gusto na daw nila mag mina kasi mas malaki ang kita. yun nga lng, pag pumasok ka sa isang butas ay i-consider mo na patay ka na, magdiwang ka na lang pag nakalabas ka na ng butas nang buhay. syempre sinabi sa akin yun nung nasa labas na kame, baka daw mag prek-awt ako at di sumama sa loob ng mga butas.


small scale miner panning gold ore inside to extract raw gold. Camp5, Itogon, Benguet. Hexar RF, Voigtlander 35mm Nokton, FujiFilm Presto400.

halos lahat ng small scale miners ay illegal ang operation, kundi di ba naman ungas mga policy makers natin, msyadong mahal magproseso ng mga papeles at dagdag pa sa mga padulas, welcome to philippines pare.